hoooray!

i am so happy to say that we already have a house to live in... as in masayang masaya ako makakapag decorate na ako ng sarili kong bahay! at last magkakaroon na ako ng sariling scraproom! yey! i am super duper over happy to the max! halata bang sobrang saya ko? kasi at last may matatawag na akong my/our own house!

hindi pa nga lang kami ngayon lilipat kasi yung lilipatan needs renovation so aayusin muna para matirhan na namin. i think 1 year pa bago kami lumipat. bahay kasi yun dati ng lola ni jun which is naka pangalan na sa nanay ni jun tapos binigay naman sa amin yung bahay at lupa. sa ngayon wala nang nakatira doon may nagbabantay lang.

sa mga susunod na araw ipapaayos namin yung bakod kasi halos wasak na yung ibang parte. tapos magpapakabit doon ng tubig. ipapaayos din yung likod bahay kasi may mga damo na... madami pang kailangang ayusin doon kaya medyo matagal pa sigurong makalipat kmi.

masaya din ako ngayon kasi natupad na ang isa sa mga pangarap ko nung bata pa ako na magkaroon ng sariling bahay. salamat sa pag basa nito!

0 comments: