cruel intentions

why do some people are so cruel? i cannot understand why they do certain things that can hurt other people. =(

i went to the bank just now to deposit my payment to ate helen for the scrapbook items i ordered to her. and then i found out that the bank was closed already because its past 3pm already (nakalimutan ko kasi na dapat pala magdedeposit ako ngayon. how stupid! hehehe!) so i just went to the groceries instead. i bought bread for our merienda then sumakay na ako ng jeepney. the jeepney was not yet puno so we waited for other pasahero to ride.

there's this man with a kid na sumakay tapos umandar na yung jeep. after ilang minutes bumaba yung taong katabi nung bata so pinausog nung mama yung kasama nyang bata. hindi pa kumukurap yung mata ko napansin ko na pinapagalitan nung mama yung bata. hindi ko makita kung ano ang nangyayari sa kanila kasi halos natatabunan yung bata nung mama. so parang nakatalikod sya sa akin. nasa huli kasi ako sumakay. umusog ng konti yung mama at nakita ko na sumuka pala yung bata. ang point ko doon eh lulang lula na nga yung bata pinapagalitan pa nya. tapos nakita ko umiiyak na yung bata. naawa ako bigla. kasi diba iba naman yung feeling ng lula ka na tapos susumbatan ka pa. hindi na lang pagsabihan mo lang ng dahan dahan. eh bata pa naman yun, i think 4 years old pa lang. sobrang awang awa ako sa hitsura nung bata. ayun buti na lang at may dala yung mama ng extra damit nung bata kaya naging ok na.

hay naku ang ibang tao nga naman!

pero i cant blame them for being like that kasi natural na ata sa kanila yun or malay ko na mainit pala yung ulo nung mama at naibuhos lang nya yung init ng ulo nya doon sa bata. i can never tell. minsan kasi ganyan din ako. hindi ko macontrol minsan yung ugali ko lalo na at nagkasabay sabay na ang mga pangyayari.

0 comments: