happy! really really happy!





umuwi galing baguio si honey kahapon and guess what? with lots of pasalubong for me and huey!!! *clap! clap! clap!*

honey bought 4 sando for huey. a souvenir from baguio city. nung iniabot nya sa akin yung mga sando ni huey sabi nya "eto naman ang para kay honey!" and guess what smile plastic yung nakita ko. ang nasa loob? lots of embellishments! ang saya!

tapos ayun kinuha na ni hon si huey para matingnan ko naman yung pasalubong nya sa akin. lumabas sila ng room at pumunta ng sala. at sumunod na ako after makita yung pasalubong nya sa akin. then umupo kami sa mahabang upuan (hindi ko pwedeng sabihin na sofa kasi hindi naman yun sofa!) tapos may nakita ako sa ilalim ng center table. tapos he said ayan (pointing to the box wrapped in light blue paper) advance gift ko sayo para sa birthday mo (august 31). tapos i kept on asking "ano yan? ano yan?" with a smile on my face. sabi nya PRINTER!!!! nanlaki mata ko! sobrang abot tenga na yung ngiti ko sa sobrang saya! tapos syempre pa-keme muna na hindi buksan yung printer although very excited na akong makita kung anong model... after a while binuksan na rin namin. wow!!!! EPSON R250!!! photo printer sya! yey! makakapag print na ako ng pictures dito sa bahay!

ayun natulog ako ng may ngiti sa aking mukha! naks lalim ah!

salamat honey at pinapasaya mo ako palagi at gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita kahit hindi mo ako bilhan ng mga material na bagay na yan. pero im thankful ginawa mo... SALAMAT!!!

0 comments: